Heritage properties ng bansa, dapat manatili sa pagmamay-ari ng gobyerno ayon kay Senador Sonny Angara

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Senador Sonny Angara na dapat panatihilin ng gobyerno sa pagmamay-ari nito ang mga heritage properties ng bansa gaya ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng Coconut Palace sa Pasay City.

Ito ang tugon ng senador sa pagko-konsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbenta ng mga government properties para madagdagan ang pondo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Angara, dapat ring ikonsidera ng pamahalaan ang pagpapabilis ng Public-Private-Partenship (PPP) bilang isang paraan sa pagtutuloy ng mga infrastructure projects ng gobyerno.

Paliwanag ng senador, una na kasing balak na kunin mula sa kaban ng bayan ang pondo para sa mga infrastructure projects pero dahil sa pandemya, mas mainam aniyang i-konsidera na ang PPP at pag aralan ang paghihikayat pa sa pribadong sektor na makilahok sa mga proyekto ng pamahalaan.

Samantala, sa tignin naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay hindi pa kailangang magbenta ng mga government assets sa ngayon.

Sa halip aniya ay pagtuunan na muna ng pansin ang rollout ng mga bakuna kontra COVID-19.