Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha ng hindi na aabot pa ng Nobyembre

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kayang makuha ang herd immunity sa National Capital Region, apat o limang buwan mula ngayong Mayo.

Ito ay kung kakayaning makapagbakuna ang bawat LGU sa Kalakhang Maynila ng 8,000 hanggang 10,000 araw araw.

Inihayag ni Galvez na base sa simulation ng mga LGU, maaari namang makuha sa kabilang banda ang herd immunity sa Metro Manila kung aabot sa 5,000 bakuna kada LGU ang magagawa araw araw.

Lalabas ani Galvez na kailangang masustina dito sa Metro Manila ang 500,000 pagbabakuna sa araw araw na mangangailangan naman ng steady supply ng bakuna na 3.3 million kada buwan.

450,000 naman ang kailangan sa Davao kada buwan ganundin sa Cebu.