Healthcare workers at senior citizens ng Sto. Tomas Batangas, babakunahan ngayong araw ng 2nd dose

Isasalang ngayong araw sa vaccination ng ikalawang dose ng COVID vaccine ang mga senior citizens mula sa Barangay San Antonio Sto. Tomas City, Batangas.

Gagawin ang pagbakuna sa City Evacuation Center ng lungsod na pasisimulan ng bandang alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Kabilang ang mga senior citizens sa listahan ng A2 priority group na nabakunahan ng unang dose noong Mayo 12.

Sa Hunyo 11 naman itinakda ang pagbakuna sa mga senior citizens na nabakunahan noong Mayo 14 at sunod ang mga frontline healthcare workers na nasa A1 priority group .

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, pinaalalahanan ang mga magpapabakuna na sundin ang araw at oras ayon sa schedule at magdala ng valid ID.