Hatol ng Korte kay dating General Jovito Palparan, nirerespeto ng Palasyo

Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court na sentensyahan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong si retired Army General Jovito Palparan.

Sa press briefing kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hangad rin ng pamahalaan na maibigay sa mga biktima ang hustisya.

Taong 2006 nang arestuhin sina Palparan at dalawa pang dating opisyal para sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Bukod sa habang buhay na pagkakakulong ay inatasan rin ang tatlong suspek na magbayad ng P100,000 para sa civil damages at P200,000 para sa moral damages. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion