Hatol na guilty ng Sandiganbayan kay Ginang Marcos, simula na ng paglabas ng katotohanan – CHR

Ikinatuwa din ng Commission on Human Rights (CHR) ang ibinabang desisyon ng Sandiganbayan, na guilty si dating unang Ginang Imelda Marcos sa pitong kaso ng katiwalian.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, bagamat masyado nang delay, maituturing pa rin na tagumpay ito para sa sambayanang Filipino lalo na sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law.

Ang mahalaga aniya ay lumabas ang katotohanan upang mapanagot ang mga Marcos sa kanilang mga nagawang krimen.

Pagtiyak pa ng CHR na magpapatuloy ang pagbabantay nito sa proseso ng paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng pang-aabuso. | ulat ni Rey Ferrer