Harry Roque, tiniyak sa kanyang supporters na hindi siya titigil sa paglilingkod sa publiko

Kasunod ng naging desisyon ni dating Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na aatras na ito sa kandidatura sa pagka-Senador, nilinaw nito sa kanyang mga taga-suporta na hindi siya titigil sa paglilingkod sa taongbayan.

Ayon kay Roque, bagamat magpapahinga siya pansamantala hindi ito nangangahulugang titigil na rin siya sa serbisyo.

Aniya, kailangan lang muna niyang sundin ang payo ng doktor at baguhin ang lifestyle sa kasalukuyan, at matapos nito ay magpapatuloy siya sa pag-aaral ng batas.

Kaugnay nito, tumanggi na munang sumagot si Roque kung tatanggap ito ng posisyon sa gobyerno sakaling alukin ni Pangulong Rodrigo Duterte. | ulat ni Racquel Bayan