Hanggang kagabi, dagsa pa rin ang mga tao sa mga sementeryo sa QC – QCPD

Umabot pa sa 4,000 ang mga taong pumasok sa Bagbag Cemetery sa Novaliches Quezon City bandang alas-8 kagabi kasunod ng paggunita ng all souls day.

Sa kabuuang walong sementeryo sa Quezon City tinatayang nasa 5,853 katao ang dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Naitala kagabi na may pinakamaraming tao pa rin sa Bagbag cemetery, sinundan ng
Holy Cross Memorial Park Cemetery – 826, Himlayang Pilipino Cemetery na may 800 katao, Novaliches Cemetery 152, Baesa Cemetery-25 at 6┬áRecuerdo Cemeteries – 50 katao.

Sa 17 Columbary naman nasa 846 katao pa ang dumalaw kagabi, pinakamarami sa Funeraria Paz Columbarium na may 200 katao, sinundan ng Mt. Carmel Columbarium – 150, at St. Peter Church Columbary at Sanctuarium Columbarium na may tig 100 katao.

Sa 30 bus terminal sa QC, may nakaalis pang pasahero kagabi papuntang lalawigan na aabot sa 1,045.

Ayon naman sa Quezon City Police, naging tahimik at maayos naman ang loob at labas ng mga sementeryo sa nakalipas na magdamag. | ulat ni  Rey Ferrer