“Hamilton” Pinay actresses Rachelle Ann Go at Christine Allado, rumampa sa red carpet ng Olivier Awards sa UK; Samantala, Prince William at Meghan Markle, may panawagan sa mga nais magregalo sa kanilang kasal

Rumampa sa red carpet ng Olivier Awards sa United Kingdom ang Pinay actresses na sina Rachelle Ann Go at Christine Allado.

Angat na angat ang ganda ni Rachelle Ann suot ang gold patterned gown na likha mismo ng kapatid niyang designer na si Oz Go.

Habang si Eliza naman, kinilala pang best dressed ng isang UK tabloid sa kaniyang elegant look suot ang embroidered bright teal gown mula sa Bao Ta London.

Kabilang ang dalawa sa produksyon ng West End para sa musical play na Hamilton na nakapag-uwi ng pitong awards mula sa 13 nominasyon para dito.

Sa ibang balita, ilang linggo bago ang nakatakdang kasal, may panawagan ang royal engaged couple na sina Prince Harry at Meghan Markle.

Imbes umano na magregalo sa kanila, nais ng dalawa na ibigay na lamang ito sa kawanggawa.

Matatandaang, ganito rin ang hiniling noon ni Prince William at ngayo’y Duchess of Cambridge Kate Middleton sa kanilang kasal noong 2011. | via Eunice Garcia-Langcauon