Halos P2-M halaga ng ilegal na kahoy, nakumpiska noong 2018 ng 36IB

Umabot sa Php 1,908,424 ang halaga ng mga ilegal na kahoy na lawaan na nasa 70,865.57 board feet ang nakumpiska sa buong taon ng 2018 ng 36th Infantry Battalion, sa koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) 13.

Ang pinakahuling operasyon laban sa illegal logging ay nangyari noong December 28, 2018, sa isang checkpoint sa Purok 4, Brgy. Tina, San Miguel, Surigao del Sur, na inilunsad ng 36IB Philippine Army at kapulisan ng San Miguel Municipal Police Station.

Nakumpiska ang halos 5,000 board feet na nilagareng kahoy ng lawaan, na nagkakahalaga ng P130,000.

Ngayong taong 2019, muling nanawagan si 36IB Commanding Officer LTC Xerxes Trinidad sa mga pamahalaang lokal, na seryosohin ang kampanya laban sa illegal logging kasabay ng pagsasabing, makakasigurong ang army partikular na ang 36IB ay nakatutok sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na pagtotroso, sa pakikipag-ugnayan sa DENR at PNP sa probinsiya.| ulat ni Jocelyn Morano- DXBN Butuan