Halos isang buwan na water interruption sa Imus Cavite, ipinatupad na

Upang mapangasiwaan ang mabilis na pagbaba ng tubig sa mga reservoir, nagpatupad na ng water service interruption ang Maynilad Water Services Inc.sa Imus City Cavite.

Base sa abiso ng water concessionare, dahil sa mataas
na demand sa tubig, araw-araw ng mawawalan ng supply nito ang ilang barangay sa lungsod na pinasimulan na kahapon , October 6 at matatapos hanggang October 31.

Kabilang sa mga customer ng Maynilad na makakaranas ng low pressure hanggang tuluyang pagkawala ng tubig ay ang mga nakatira sa barangay Anabu 2-B, Anabu 2-C at Anabu 2-D

Mawawalan sila ng tubig mula alas-siete ng umaga hanggang alas-kwatro ng madaling araw kinabukasan.

Habang alas-siete ng umaga naman hanggang alas-10 ng gabi mawawalan ng supply ng tubig ang mga barangay nģ Alapan 1-A hanggang 1-C, Anabu 1-A at Anabu 1-C hanggang 1-F, Anabu 2-A hanggang 2-C, Bayan Luma 7, Bucandala 3, Bucandala 4, Poblacion 1-A hanggang 1-C.

Kasama din ang Poblacion 2-A, Poblacion 3-A hanggang 3-B, Poblacion 4-D, Tansang Luma 1, Tansang Luma 4 hanggang 6 at Toclong 1-A hanggang 1- C.