Halos 60,000 indibidwal, nabakunahan na ng COVID-19 vaccine sa Cebu City

Umabot na sa 58,083 na mga indibidwal sa Lungsod ng Cebu ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Cebu City Health Department, sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak ng Cebu City Vaccine Operation Center, ang nasabing bilang ay naitala nitong June 1, 2021, at hindi pa kasali dito ang mga taga Cebu City na nabakunahan sa ilalim ng Project Balik Buhay.

Ang mga nabakunahan ay kabilang sa priority groups A1 hanggang A3.

Ang natitirang 6,000 doses ng AstraZeneca COVID vaccine, ang siya ngayong ginagamit ng city health office sa nagpapapatuloy na pagbabakuna dito sa lungsod.

Napag-alaman, na nasa 700,000 ang target population sa Cebu City na ma mabakunahan ng COVID-19 vaccine upang matamo ang herd immunity.