Halos 300,000 COVID-19 vaccines, nai-deploy sa Mandaluyong

Aabot na sa 300,000 COVID-19 vaccines ang naipamahagi sa tulo-tuloy na vaccine rollout sa Mandaluyong.

Mula sa bilang na ito, nasa kabuuang 208,412 na ang mga residente mula A1 hanggang A5 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna, habang higit 91,000 na rin ang fully vaccinated sa lungsod.

Pinakamalaking bilang ng nabakunahan o halos 58 percent sa Mandaluyong ay kabilang sa A3 o person with comorbidity.

Nasa 71,614 na mga manggagawa na rin ang naktanggap ng kanilang unang dose sa local government, habang may higit 37,000 na ring nabakunahan na mula sa indigent population.

Umaasa naman ang pamahalaang lungsod, na madagdagan pa ang alokasyon nito nang hindi maantala ang mabilis na vaccine rollout nito.

Samantala, ngayong Lunes, dalawang vaccination site lang sa lungsod ang nagbukas para sa first dose vaccination habang ang natitirang pito pa ay ilalaan na muna sa second dose.