Halaga ng kailangang maibalik sa DICT ng dayuhang contractor matapos pumalpak ang “WiFi for All” project, aabot sa mahigit 21 million US dollars

Hindi bababa sa mahigit 21 milyong dolyar ang laki ng perang dapat na ibalik sa pamahalaang Pilipinas ng foreign contractor na speedcast na nakabase sa Hongkong.

Ito’y kasunod ng ginawa ng pagkansela ng Department of Information and Communications Technology ang proyekto na magbibigay sana ng libreng WiFi para sa lahat ng mga Pilipino matapos na balutin ito ng kontrobersiya.

Pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangang i-refund ng speedcast ang kabuuang 21,855,481 US dollars dahil hindi naman aniya nito nai- install ang nasa 6000 WiFi spots sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kaya ngayon aniya na napatunayan na ng DICT na kaya naman nitong gawin ang pagkakabit ng mga libreng WiFi sa bansa, ay ito na ang magtutuloy O gagawa ng naturang proyekto.

Sa nakalipas na taon ani Roque ay matagumpay na nakapag-install ng mahigit 500% na WiFi hotspots Ang DICT kumpara sa ilan lamang na nagawa ng dayuhang contractor.