Gunman sa pagpatay kay Rep. Batocabe, sumuko na

Sumuko na ang isa sa mga gunman sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at security escort, SPO2 Orlando Diaz.

Ito ang kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director CSupt. Amador Corpuz, na sinabing nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang suspected gunman na si Henry Yuson alyas Rommel, matapos na sumuko sa militar sa Sorsogon kahapon.

Nakatakdang magtungo si PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa Camarines Sur Provincial Police Office ngayong hapon, kung saan sumasailalim sa pagproproseso ang suspek.

Ang isa pang itinuturong gunman na si Rolando Arimado alyas RR ay at large parin, gayundin ang isa pang back-up driver na si Jaywin Babor alyas Jie at isang accessory na si Danilo Muella alyas Manoy Dan.

Ang mga suspek ay kabilang umano sa gun-for-hire group na umano’y nagsagawa ng pagpatay kay Batocabe, na pinamumunuan ni Christopher Naval alyas Tuping, isang dating sundalo na security aide ni Mayor Carlwyn Baldo.

Si alyas Tuping at isa pang suspek na back-up driver sa krimen na si Emmanuel Rosello alyas boboy ay una nang sumuko sa PNP. | ulat ni Leo Sarne