Guidelines sa pag-aresto sa mga lalabag sa minimum health protocol, ilalabas ng DOJ at DILG bukas

Ilalabas bukas ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang joint guidelines sa pag-aresto sa mga hindi magsusuot o maling pagsusuot ng face mask o lalabag sa minimum health protocols.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, isinasapinal na ang mga panuntunan, pero nagkasundo na sila “in principle” ni DILG Sec. Eduardo Ano tungkol dito.

Pipirmahan na lamang ang guidelines bukas, matapos ang pagsasaayos ng kanilang mga binalangkas na panuntunan.

Batay sa joint guidelines, matutukoy ang tamang paraan ng pag-aresto, pag-iimbestiga, at pagpapakulong sa mga pasaway, para maiwasan ang mahawaan ng COVID-19.

Una ng inatasan ng Pangulo ang hanay ng kapulisan na hulihin, imbestigahan at ikulong ng siyam na oras ang mga hindi magsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar.