Guidelines para sa pagtuturok ng bakuna sa mga nasa A4 category, aprubado na

Pasado na sa Inter- Agency Task Force ang guidelines na gagamitin para sa pagbabakuna ng nasa A4 priority group.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, aprubado na sa IATF ang guidelines at ang hinihintay na lamang ay ang pagdating ng mga bakunang gagamitin kabilang sa A4.

Ngayong week end ani Dizon maaaring dumating sa bansa ang mga hinihintay na vaccine at pagkatapos nito’y ikakasa na ang inoculation.

Kaugnay nito ay sinabi ni vaccince czar Carlito Galvez Jr. na may paparating ngang Sinovac sa darating na June 6 habang kumpirmado na ding may 2.2 million doses ng Pfizer ang darating sa June 10 at 11.

June 11 din ayon kay Galvez ay darating ang second tranche ng Sinovac.