Guidelines para sa pagbabakuna ng A4, pagpupulungan ng NITAG

Ilalatag sa inaasahang gagawing pagpupulong ngayong araw na ito ng NITAG o ng National Immunization Technical Advisory Group ang guidelines para sa inoculation ng mga nasa A4 group.

Sa harap ito ng pagsisimula ngayong buwan para sa pagbabakuna ng nasabing priority group sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mag-aanunsiyo ang NITAG ng abiso kung pwede ng pumunta sa vaccination centers ang mga nasa A4 group.

Pero paalala ni Roque sa mga kasama sa nabanggit na grupo na nakatakda na ring sumalang sa bakuna, mahalagang makapagparehistro na muna at mula duon ay maghintay na lang ng kanilang schedule ng pagbabakuna.

Kabilang sa kategorya ng A4 group ang government employees, economic frontliners, informal sector workers at maging ang mga nasa media.