Grupo ng magsasaka, may panawagan sa IATF ukol sa bakunahan

Nagpahayag ng pangamba ang agriculture community hinggil sa nangyayaring bakunahan sa bansa.

Ayon kay Agriculture Alliance of the Philippines President (AGAP) Nick Briones, dapat unahin ang mga miyembro ng sektor ng agrikultura.

Ito aniya ay napakahalaga dahil sa mga magsasaka, magmamanok, magbababoy, at mangingisda dumadaan ang pagkain ng bawat Pilipino sa araw-araw.

Sa tantsa ni Briones, aabot sa 20 milyong doses ng bakuna ang kailangan ng agri sector para masiguro ang kaligtasan ng mga ito.