Groundbreaking para sa Marawi rehabilitation, tuloy na sa darating na Miyerkules

Tuloy na tuloy na ang groundbreaking ceremony para sa rehabilitasyon ng Marawi sa Oktubre 17.

Ito ang tiniyak ni Task Force Bangon Marawi Head Secretary Eduardo del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario, may kumpanya na ding gagawa ng debris-clearing sa may anim na ektaryang portion na lupain ng lungsod, ang kontrata ay aabot ng P75 milyong piso.

Pero kung pag-uusapan ay kabuuang funding requirement para sa rehabilitasyon, recovery at reconstruction ng nawasak na lungsod, una nang sinabi ni Del Rosario na ito’y posibleng umabot sa P86.5 billion pesos, kasama na ang P20 bilyong piso para sa mga residenteng nawalan ng kanilang tahanan.   | ulat ni Alvin Baltazar