Gov’t peace panel Chair Silvestre Bello III, may nakikita pang pag-asa na muling umusad ang peace talks

Naniniwala si government peace panel Chairman Silvestre Bello III na may tsansa pa ring umusad ang peace talks sa susunod na taon sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA.

Pahayag ni Bello, kahit na ano ay posibleng mangyari lalo’t marubdob ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang pangmatagalang pangkapayapaan sa bansa.

Pero mangyayari lang ani Bello ang nasabing posibilidad, kung makikitaan ng sinseridad ang kabilang kampo at hindi habang sa kasagsagan ng pag-uusap ay bumabanat naman ang kabilang grupo.

Dagdag ng kalihim, dapat magarantiyahan ng makakaliwang grupo  sa pamahalaan ang isang conducive atmosphere upang sa gayon ay umusad na ng tuloy-tuloy ang usapang pangkapayapaan.

Pero sa ngayon, localized peace talks muna ani Bello ang approach ng gobyerno habang walang maayos na pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng mga lider ng CPP-NPA at ng pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar