Ginawa ng pamahalaan ang lahat para pigilan ang pagbitay sa OFW sa Saudi Arabia – Palasyo

Nagpaabot ng pakikiramay ang MalacaƱang sa pamilya ng Pinay na Overseas Filipino worker (OFW) na binitay sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na gumawa ng iba’t ibang mga hakbang ang gobyerno, partikular ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang pigilan ang execution.

Nagbigay aniya ang pamahalaan ng abogado at patuloy ang naging pakikipag-ugnayan sa pamilya ng OFW.

Ayon kay Panelo, nakakalungkot ang partikular na kaso na ito dahil hindi maaaring gumamit ng blood money para mapigilan ang pagbitay.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na lahat ay ginawa ng gobyerno para maisalba sana ang buhay ng Pinay OFW. | ulat ni Racquel Bayan