Ginagawang transition sa BARMM, maayos na naipatutupad – OPAPP

Maayos at maganda ang nangyayaring transition sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ang tiniyak ni Secretary Carlito Galvez ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) kasunod ng pagkabahala kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa transition ng BARMM.

Ayon kay Galvez, nagkaroon lamang ng bahagyang problema dahil sa kinaharap nilang hamon noon kung saan ay kailangan nilang hikayatin ang mga dating rebolusyonaryo na yakapin ang mga pagbabago at proyekto ng gobyerno para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang din aniya sa nagpabagal ng proseso at ang pagkaantala ng 2019 na siyang paghuhugutan ng salary ng mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at pagkukuhanan din ng budget para sa pag-acquire ng mga lawyers, technical assistants at mga accountants.

Pero sa ngayon ani Galvez, ongoing na ang recruitment ng BTA para sa mga nabanggit na posisyon matapos na mailabas na ng Budget Department ang kanilang allocation fund na nagkakahalaga ng P103 million pesos.