GenSan constituents, hinimok na magparehistro sa nat’l ID

Pinasalamatan ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera ang Philippine Statistics Authority (PSA), sa pagbibigay nito ng logistical support para sa national ID registration sa lungsod.

Hinimok niya ang kanyang constituents na lumahok, dahil makakatulong ito para mapabilis ang mga serbisyo ng gobyerno at iba pang programa ng pamahalaan.

Si City Mayor Ronnel C. Rivera, kasama ang empleyado ng LGU-Gensan, ay nagparehistro sa institutional registration ng national ID system sa pakikipagtulungan sa PSA, na ginanap kamakalawa sa Oval Plaza Gym.

Ang PSA Staff ay nagpapaalala, na ang registration sa Oval Gym ay extended hanggang August 4, 2021. Maglulunsad din ang PSA Staff ng registration sa Sangguniang Panlungsod-General Santos City building, para sa SP employees sa August 5, 2021.