Gen. Eleazar, pormal ng uupo bilang bagong PNP Chief ngayong Biyernes

Pormal na uupo ngayong Biyernes bilang ika-26 na Philippine National Police Chief si PLt. General Guillermo Eleazar kapalit ni outgoing PNP Chief PGen. Debold Sinas na nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Sabado.

Ayon ito kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na siyang magsisilbing presiding officer sa turnover ceremony na gagawin Sa Camp Crame.

Si Gen. Eleazar ay Mista ni ni Gen. Sinas sa Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987.

Anim na buwang pamumunuan ni Gen. Eleazar ang PNP bago ang kanyang pagreretiro sa kanyang ika 56 na kaarawan sa Nobyembre 13 ng taong ito.

Ayon kay Año, si Eleazar ay inirekomenda sa pinakamataas na posisyon ng PNP base sa kanyang seniority, merito, reputasyon at kakayahang pamunuan ang pambansang pulisya.

Nagpasalamat naman si Gen. Eleazar sa Pangulong Duterte at kay Sec. Año sa kanilang pagtitiwala; at sa Panginoon, para sa pagkakataon na ibinigay sa kanya para pagsilbihan ang kanyang mga kapwa Pilipino.