Gatchalian, pinuri ang inisyatibo ng Pangulong Duterte sa pagbuo ng isang team na makikipagdiyalogo sa religious leaders sa bansa

Pinuri ni Senador Win Gatchalian ang inisyatibo ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbuo ng isang team para makipagdiyalogo sa mga namumuno sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups.

Ayon kay Gatchalian, ang hakbangin ng Pangulong Duterte ay indikasyon na handa ang kanyang administrasyon na mapaghusay ang relasyon nito at ng mga religious leaders sa bansa.

Anang mambabatas, kanyang inaasahan na ang mga isasagawang serye ng diyalogo at pag-uusap sa pagitan ng Presidential panel at ng mga religious leader ay mauuwi sa pagkakaroon ng mas mahusay na relasyon sa pagitan ng Pangulong Duterte at ng mga taga-simbahan o religious groups sa bansa.

Matatandaan, si Gatchalian ang isa sa mga naunang nanawagan para sa pagdaraos ng diyalogo sa pagitan ng MalacaƱang at ng mga religious leader makaraan ang kontrobersyal na “stupid God” remark ng Pangulong Duterte noong Biyernes. | ulat ni Jojo Ismael