Gatchalian: Impeachment trial ni CJ Sereno, malamang mangyari pagkatapos ng SONA ng Pangulong Duterte

Kung saka-sakali, ang impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay mangyayari pagkatapos ng state of the nation address (SONA) ng Pangulong Duterte sa Hulyo.

Sa pagtaya ni Senador Win Gatchalian, hindi pa agad masisimulan ang impeachment trial ni Chief Justice Sereno kahit na maiakyat na sa Senado ang articles of impeachment sa pagbubukas sesyon ng Kongreso sa ika-5 ng Mayo.

Paliwanag ni Gatchalian, may tatlong linggo na lang ang natitira makaraan ang kanilang pagbabalik sesyon, kung saan marami pa ang gagawin bago masimulan ang pinaka-trial proper.

Aniya, sa ika-15 ng Mayo, agad na rinĀ  nilang pag-uusapan at tatapusin ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na isang napakahalagang panukala para magkaroon ng stability at kapayapaan sa Muslim Mindanao at maganda aniya ang suporta dito.

Nabanggit ni Gatchalian na siya’y may panukala para sa BBL pero kanyang tiniyak na ito’y hindi para pahinain kundi higit pang palakasin ang panukalang hakbangin. | via Jojo Ismael