Gatchalian, hinimok ang AKELCO na gamitin ang force majeure provisions ng power supply agreements (PSAs) para maiwasan ang pagpapataw ng pass-on charges sa mga consumers sa Boracay

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative o AKELCO para magsagawa ng mga hakbangin upang maiwasan ang pagpasa sa mga consumer ng dagdag singil sa kuryente sa loob ng anim na buwang pagsasara ng Boracay Island.

Punto ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang pagsasara ng mga restaurant, resorts at iba pang business establishments sa Boracay ay hindi lamang umano magreresulta sa pagkawala ng mga trabaho kundi hihina din ang kunsumo ng elektrisidad sa loob ng franchise area ng AKELCO sapagkat ang mga isasarang mga negosyo ay ang gumagamit ng may 41 porsyento ng kuryente sa lugar.

Sa pagtaya ni Gatchalian, ang energy demand ng Boracay na 28 megawatts ay babagsak sa 4 megawatts na lang habang nakasara ang isla, kaya’t magkakaroon ng malaking surplus sa hindi magagamit na kuryente na una ng kinontrata ng AKELCO sa pamamagitan ng on-term power supply agreements (PSAs) at ng iba’t ibang generation companies.

Kapag aniya ang negosyo ay magpapatuloy tulad ng dati, ang ibang customer ng AKELCO sa buong Aklan, Antique at Capiz ay kailangang magbayad ng karagdagang P1.58 sentimos kada kilowatt hour sa pass-on charges para mabayaran ang mga generation companies para sa elektrisidad na hindi magagamit sa Boracay na magreresulta naman sa may P178 million ng dadag singgil na babalikatin ng mga consumer sa loob ng anim na buwan.

Para maiwasan ang pagpapataw ng pass-on charges, nanawagan si Gatchalian sa AKELCO na gamitin ang force majeure probisyon ng power supply agreements (PSAs) at ng iba’t ibang generation companies na pansamantalang suspendihin ang pagbili ng mga hindi kakailanganin na elektrisidad habang nakasara ang Boracay. | via Jojo Ismael