Garantiya sa pagpasa ng 2020 National Budget sa takdang oras, Kongreso lamang ang makatutukoy – Palasyo

Kongreso lamang ang makakapag-garantiya kung walang mararanasang pagkaantala sa pagpasa ng proposed 2020 National Budget.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng pagsu-sumite ng Department of Budget and Management (DBM) ng P4.1 trillion-2020 National Budget, na opisyal na natanggap ng mga mambabatas kaninang umaga.

Ayon kay Panelo, ang Kongreso lamang ang makatutukoy nito, dahil ang mga mambabatas naman ang bumubusisi sa nilalaman ng budget.

Gayunpaman, umaasa aniya ang Palasyo na maipasa ito sa takdang panahon dahil anumang pagkaantala sa pagpapasa ng pambansang pondo ay makakaapekto sa ekonomiya ng bansa.