Gagawing pag-ungkat ni Pres. Duterte sa panalo ng PH sa arbitral ruling kay Chinese Pres. Xi, magiging diretsahan — Panelo

Magiging diretsahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling buksan nito ang usapin sa panalo ng Pilipinas sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping mamaya.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng hinihintay na muling pagkikita ng dalawang lider mamaya na kung saan, dito inaasahang igigiit ni Pangulong Duterte ang pagkapanalo ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, dati nang binuksan ng Presidente sa kanyang counter part  ang claim ng bansa sa tagumpay nito sa arbitral ruling subalit pahapyaw lamang ang dating.

Pero sa muli nilang paghaharap mamaya ni President Xi, sinabi ni Panelo na magiging diretso si Pangulong Duterte sa gagawin nitong pag-ungkat sa karapatan  ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Hindi naman magiging one on one ang set up ng pagkikita mamaya nina President Xi at ni Pangulong Duterte na una nang inakala ni Secretary Panelo.