Fully vaccinated individuals sa Pateros, halos 40% na

Malapit nang umabot sa kalahati ng target population sa bayan ng Pateros ang maituturing na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Sa tala ng municipal government, 19,373 individuals na ang nabakunahan ng second dose o katumbas ng 39.54 percent.

Nasa 37,996 residents naman ang nabigyan na ng first dose o katumbas ng 77.54 percent.

Sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce na nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa bayan ngunit dahil sa banta ng Delta variant ay dapat magdoble-ingat at sumunod sa health protocols.

Patuloy din ang paghikayat ni Ponce sa mga residente na kapag may pagkakataon at dumating na ang mas maraming suplay para sa first dose ay magpabakuna na upang makakuha ng proteksyon.

Nasa 49,000 ang eligible population sa Pateros na dapat mabakunahan upang makamit ang herd immunity.