Full surveillance team ng pamahalaan, asahan nang mas gagawing maigting ang contact tracing efforts ngayong may local transmission na umano ng Delta variant

Tiniyak ng gobyerno na in full effort ang surveillance team nito ngayong may 11 ng inisyal na naiulat ng local transmission ng Delta variant.

Sa kamakailan lamang na pagharap ni One Hospital Command Center Operations Manager Dr. Bernadett Velasco sa briefing sa Malacanang, sinabi nitong may kakayahan naman silang determinahin kung ano na ang status ng mga Pinoy kasama na ang returning Filipinos na mga nakapitan na ng pinangangambahang variant ng COVID.

Sa pamamagitan na rin aniya ito ng mas maigting na contact tracing.

Sa kabilang dako’y inihayag ni Velasco na nagkaroon na rin sila ng pagpupulong sa mga medical center chiefs para matiyak ang ano mang senaryo na posibleng maidulot sa iba’t ibang pagamutan ng Delta variant.

Nakatutok ani Velasco ang One Hospital Command Center sa ano mang posibleng surges na maitala kasunod na naitala ng kaso ng Delta variant.

Batay sa inilabas na ulat ng DOH, dalawa sa 11 ay nasa National Capital Region, anim sa Region 10, dalawa sa Region 6, isa sa Region 3 habang lima sa returning Filipino workers pero tatlo dito ay nakarekober na.