Former Kapitan Amilbangsa Manding, kumpirmadong patay matapos atakehin sa puso

Davao — Kinumpirma ni Davao City Police Office Director PSSupt. Alexander Tagum na namatay na si dating Brgy. 23-C Kapitan Amil Bangsa Manding matapos atakehin sa puso.

Sa nagpapatuloy na bilangan, malaki ang lamang ng kaaway nito sa posisyon na si incumbent barangay captain Alemudin Wating Usman.

Maaalala na ang barangay na kinabibilangan ng dating kapitan ay ang natatanging barangay sa sentro ng Davao City na nasali sa election watchlist at nasa category 3.

Dalawang gabi bago ang election ay nagkagulo pa ang mga supporter ng dalawang kandidato na nauwi sa suntukan at pamamaril kung saan tatlo ang natalang sugatan. | via Sheila Lisondra