Foreign Armed Forces Attaches, nag-courtesy call sa Philippine Army Chief

Nag-courtesy call kahapon ang mga miyembro ng Foreign Armed Forces Attaches (FAFA), kay Philippine Army Commanding General Liuetenant General Macairog Alberto sa Fort Bonifacio.

Kasama sa mga tinanggap ni Gen. Alberto sa Philippine Army Headquarters ang mga Defense Attaches na naka-destino sa diplomatic missions sa Pilipinas, ang Australia, Brunei, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Singapore, Spain, United States, Vietnam Turkey at Germany.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Villanueva, ang pagbisita ay naging pagkakataon para personal na makilala ni Gen. Alberto ang mga representante ng mga dayuhang pwersang militar na may magandang relasyon sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gen. Alberto na ang diplomasya ay mahalagang bahagi ng pagtiyak ng peace and stability sa rehiyon, at pagpapalakas ng koopersyon ng mga bansa sa pagresolba ng mga emerging security challenges.

Dagdag ni Alberto, sa pamamgitan ng malimit na interaksyon ay mas lalong napapalakas ng bawat pwersa militar ang kanilang sariling kapabilidad para gampanan ang kanilang misyon.

Ngayong araw ang unang buwan sa panunungkulan ni Alberto bilang Philippine Army Chief, mula nang umupo siya sa pwesto noong October 15.  | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy:  Philippine Army