Food tourism campaign, inilunsad ng Dept. of Tourism at Tiktok

Magkatuwang na ikinasa ng Department of Tourism (DOT) at ng video making and sharing application na Tiktok, ang pinakabagong kampanya na hihimok sa mga Pilipino na ipakilala ang mga natatanging pagkaing lokal.

Inilunsad ng DOT at Tiktok ang #SarapMagingPinoy, kung saan iba’t ibang recipe ang ibinahagi ng content creators mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa naturang platform.

Ilan sa mga video ay nagpapamalas ng home cooks, habang naghahanda ng pagkain sa mga sikat na destinasyon kung saan nagmula ang mga ito.

Sa ngayon, ay may 35 million views na ang kampanya ng Tiktok.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, malaking parte ng kulturang Pinoy ang pagkain dahil sumasalamin ito sa kasaysayan, at pinagbubuklod nito ang pamilya, mga kaibigan at ang komunidad.

Ipagpapatuloy aniya ng ahensya ang food tourism initiatives, sa pamamagitan ng mga bago at nakaeengganyong platform, upang maipabatid sa publiko kung gaano kaespesyal ang Filipino cuisine.