Fire safety measures at pagpapalakas sa operasyon ng BFP, kailangan na – Bong Go

Panahon na para pagtuunan ng husto ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at pag-iwas sa sunog.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go kailangan palakasin ang operasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbili ng karagdagang fire trucks at fire equipments para sa mga bumbero.

Marami pa kasing mga bayan sa bansa ang walang fire trucks at kagamitan sa pagsugpo sa sunog.

Bukod dito, dapat ding magkaroon ng tamang evacuation centers hindi lamang para sa mga masusunugan kundi pati na sa mga nagiging biktima ng iba pang kalamidad.

Karaniwan na kasing inililikas ang mga pamilya at pinagagamit ang mga eskuwelahan bilang evacuation centers, na nakaka-istorbo naman sa mga estudyante.

Aniya kailangang magkaroon ng evacuation centers ang pamahalaan na malinis, ligtas at komportableng matitirhan pansamantala ng mga evacuees.

Ang pahayag ay ginawa ni Go ng bisitahin niya ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Bagbag, Quezon City. | ulat ni Rey Ferrer