Financial assistance na ibinibigay sa mga mahihirap na mga estudyante, hindi scholarship program — DSWD

Ito ay interbensyon ng DSWD sa mga indibidwal, pamilya na ‘vulnerable’ sa matinding kahirapan na nararanasan sa kanilang komunidad.

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na hindi scholarships program ang financial assistance na ipinamamahagi nila sa mga mahihirap na estudyante.

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay hindi scholarship kundi bahagi lamang ng Protective Services Program ng DSWD.

Ito ay interbensyon ng DSWD sa mga indibidwal, pamilya na ‘vulnerable’ sa matinding kahirapan na nararanasan sa kanilang komunidad.

Bawat semestre, ang student beneficiary ay tatanggap ng P3,000.

Nasa 4,000 na slots ng educational assistance ang ibinigay ng DSWD sa pitong pilot state universities at colleges sa Quezon City, Caloocan City, Montalban,San Mateo Rizal at Valenzuela City.

Sa mga interesadong mag-avail ng educational assistance, kinakailangan lamang makapagsumite ng sumusunod:

1-Filled up assessment form
2-Certificate of enrollment
3-Registration para sa kasalukuyang school semester
4-Validated school ID
5-Barangay Certificate of Indigency.

via Rey Ferrer