Financial assistance distribution sa elem. at high school students, umarangkada sa Pasay

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay ang pamamahagi ng financial assistance, para sa lahat ng kwalipikadong public school students ngayong araw.

Tig P3,000 ang tatanggapin ng elementary at secondary students, na isasagawa hanggang sa Sabado, May 22.

Ang naturang halaga ay para sa buwan ng October hanggang December.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, inihahanda na rin ang financial aid para sa buwan ng Janaury hanggang March ngayong taon.

Una nang namahagi ng assistance ang city government sa college students, ngunit hindi sila kasama sa schedule dahil regular silang binibigyan ng monthly allowance.

Ipinaliwanag naman ng alkalde, na nagkaroon ng antala sa distribusyon ng ayuda sa mga mag-aaral, dahil nitong January lang inaprubahan ang increase sa cash assistance para sa last quarter ng 2020.

Mula sa dating P500 ay P1,000 kada buwan na ang tatanggapin ng elementary at high school students.