Final draft ng EO sa usapin ng Endo o contructualization, posible daw pirmahan na ni PRRD sa Lunes, labor groups dadalo sa MalacaƱang

Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lunes ang final draft ng Executive Order o EO, kaugnay sa isyu ng endo o contruactualization.

Ayon kay Alan Tanjusay, Spokesperson ng labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) – Nagkaisa Labor Coalition, natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng draft EO kagabi April 13, at naniniwala ang grupo na pipirmahan ito ng Pangulo bilang pagtupad sa kanyang pangako na tapusin na ang paglaganap na contractualization at Endo.

Dadalo ang mga labor leaders upang tunghayan ang makasaysayang EO.

Tinatayang nasa 28 milyon na manggagawa ang kontrakwal at Endo sa bansa. | via Rey Ferrer