Filipino boxers na nanalo sa Tokyo Olympics, nakabalik na sa bansa

Dumating na sa bansa ang apat na boksingerong sumabak sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics.

Lulan ng Philippine Airlines flight PR427, sabay-sabay na umuwi sa Pilipinas sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na nakasungkit ng silver medal, Eumir Marcial na nagkamit ng bronze medal at si Irish Magno.

Sinalubong nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go ang mga atleta sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 para personal na magbigay-pugay.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang dekada na nakasungkit ang Pilipinas ng tatlong medalya sa larangan ng boksing sa Olympics.

Una rito, napagtagumpayan ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.