Filing ng income tax returns at pagbabayad ng buwis, wala nang extension — BIR     

Hindi na papalawigin ng Bureau of Internal Revenue ang deadline sa filing ng 2017 annual income tax returns at pagbabayad ng buwis sa Abril 16.

Sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997, na inamyendahan bilang Tax Code, ang deadline ng filing ay Abril 15 kasunod ng pagsasara ng taxable o calendar year.

Dahil ang Abril 15 ngayong taon ay pumatak sa araw ng linggo, ang deadline ay inurong ng Lunes.

Sa mga taxpayers na mabigong mai-file sa deadline at mabayaran ang kanilang buwis ay mapapatawan na ng kaukulang multa alinsunod sa umiiral na tax code.

Pagmumultahin ang mga late filing ng 25% surcharge, 12% na interes bawat taon, at compromise penalty.

Kaugnay nito, pinaalalahanan na ni BIR Commissioner Ceasar Dulay ang lahat ng taxpayers na gawin na ang pagpa-file ng kanilang ITR at magbayad ng buwis ng mas maaga upang maiwasan ang sobrang abala na mararanasan sa huling araw ng filing. | via Rey Ferrer