Fiesta sa Baclaran, pinaimbestigahan ni PNP Chief

Pinaimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagdaraos ng fiesta sa Baclaran kung saan hindi umano nasunod ang health protocols.

Ayon sa PNP chief, aalamin kung may naging pagkukulang ang mga pulis at maging ang mga tauhan ng barangay sa pagpapatupad ng physical distancing at pagbabawal sa mass gathering.

Babala ni Eleazar, kung makitang may kapabayaan ang mga pulis na nakakasakop sa lugar, mananagot ang mga ito.

Inatasan ni Eleazar ang District director na sibakin agad sa pwesto ang mga chief of Police na hindi maipatupad ng maayos ang health protocols sa kanilang nasasakupan.

Una na ring ipinag-utos ni Eleazar sa mga pulis na istriktong bantayan ang mga pagdiriwang sa kani-kanilang mga lugar ngayong panahon ng kapistahan.

Ayon sa PNP chief, maaring maging “super spreader events” ang mga fiesta sa pagkakalat ng COVID-19.