FIBA, pinagtibay ang 18-month ban ni Ravena

Pinagtibay ng International Basketball Federation o FIBA, ang 18-month ban kay NLEX Road Warriors at Gilas Pilipinas guard Kiefer Ravena sa lahat ng basketball leagues kabilang ang PBA.

Ito’y matapos tanggihan ng FIBA ang apela o clarifications ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung maaring makalaro si Ravena sa PBA sa kadahilanang teknikal.

Gayunpaman, sinabi ni Ravena sa media na paghahandain pa rin niya ang kaniyang sarili sakaling ma-lift ang 18-month ban ng FIBA upang siya ay makalaro sa anumang basketball related activities.

Matatandaang nagpositibo ang dating UAAP MVP at 4-time SEA Games gold medalist na si Ravena sa tatlong banned substances ng World Anti Doping Agency (WADA) sa urine test na isinagawa matapos manalo ang Gilas Pilipinas kontra Japan noong Pebrero sa nagdaang FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nakatakdang tanggalin ang ban kay Ravena sa Agosto 24 ng susunod na taon.  | ulat ni Aaron/DZSR