Face masks at face shields, ipinamigay ng QC-LGU sa mahihirap na residente sa lungsod

May 1.2 milyong face masks at 300,000 face shields, ang sinimulan nang ipamigay ng Quezon City Government sa mga mahihirap na residente sa Lungsod Quezon.

Kabilang sa mga nabigyan ng face masks at shields ang mga vendor, TODA drivers, at senior citizens.

Nagpahayag ng pagkabahala si Mayor Joy Belmonte, dahil karamihan sa mga nahuhuling lumabag sa health protocols na pinagmulta at binigyan ng warning, ay mula sa mga vulnerable sector.

Sabi ng alkalde, hanggat maaari ayaw nitong makulong ang mga violator dahil sa kawalan na ng espasyo ang mga detention facilities.

Base sa datos ng Quezon City Police District (QCPD), may kabuuan ng 825 individuals ang naaresto ng pulisya mula noong May 6 hanggang ngayong araw May 11, dahil sa hindi pagsusuot o hindi tamang paggamit ng face mask at face shield.

May 7,600 ang binigyan ng warning habang 7,886 ang pinagmulta.