Estados Unidos, walang inilalatag na kondisyon sa pagbibigay ng donasyon ng bakuna sa Pilipinas

Nasa Inter-Agency Task Force na ang hurisdiksiyon kung sa anong sektor dapat maisaprayoridad ang mga bakunang ido-donate ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez na nagsabing wala namang pre- condition demand na inilatag ang Amerika para sigurado nang pagtanggap ng bansa ng donasyong bakuna mula sa US.

Ayon kay Romualdez, nakapagpulong na si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at US ChargĂ© d’Affaires John Law tungkol dito.

Binigyang diin ni Romualdez na “no strings attached” ang hakbang ng Amerika sa Pilipinas na kabilang sa unang batch ng mga bansang bibigyan nito ng libreng bakuna.

Bilang isang kaalyadong bansa ayon sa Department of Foreign Affairs official ay tayo ang isa sa mga unang unang makakabiyaya sa ibibigay na donasyon ng US.