EO para sa localized peace talks, binubuo na ayon sa AFP

Binubuo na ang Executive Order para sa localized peace talks ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pahayag ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, isinusulong ang localized peace talks dahil mas alam ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang problema na siyang dahilan ng pagsali nila sa kilusan.

Kasabay nito ay binanatan rin ni Arevalo ang Communist Party of the Philippines (CPP) at sinabing hindi sila sinsero sa pagsusulong ng kapayapaan.

Habang gumugulong kasi aniya ang peace talks ay palihim namang nagpaplano ang grupo para mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

Nitong Biyernes, naglabas ng pahayag si CPP Founding Chair Jose Maria Sison na tinatanggihan ang sinusulong na localized peace talks ng gobyerno at tinawag pang peke ang inaalok na kapayapaan ng pamahalaan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion