EO no. 135 at EO no. 134, nilagdaan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pansamantalang ibaba ang taripa ng imported rice, at itaas ang taripa para sa imported pork products upang matiyak ang food security sa Pilipinas, habang pino-protektahan ang mga consumers.

“On 15 May 2021, to further support efforts in ensuring food security and protect consumers, President Rodrigo Roa Duterte approved the recommendations of the National Economic and Development Authority Board to temporarily reduce the Most Favoured Nation (MFN) tariff rates on imported rice, and to further modify the MFN tariff rates for imported pork products.” —Office of the President

Dahil dito, pinirmahan ng pangulo ang Executive Order (EO) no. 135, kung saan ibababa sa 35% ang tariff rates ng imported na bigas mula sa kasalukuyang 40% para sa in-quota, at 50% para sa out-quota.

Iiral ito nang isang taon, upang makapag-augment ng supply ng bigas sa merkado, mapalawak ang sources ng supply nito, mamintena ang abot-kayang presyo, at upang mapababa ang pressure ng inflation.

“Under Executive Order (EO) No. 135 (s. 2021), the MFN tariff rates for rice were reduced to 35% from 40% (in-quota) and 50% (out-quota) for a period of one (1) year in order to diversify the country’s market sources, augment rice supply, maintain prices affordable, and reduce pressures on inflation. The tariff reduction took into consideration the increase in global rice prices, and the uncertainties surrounding the steady supply of rice in the country.” —Office of the President

Samantala, sa bisa naman ng Executive Order (EO) no. 134, ang taripa para sa imported pork products ay itataas sa 10% para sa in-quota, 20% para sa out-quota, para sa unang tatlong buwan.

Habang tataas ito sa 15% para sa in-quota at 25% para sa out-quota sa susunod na apat hanggang labindalawang buwan.

“Meanwhile, through EO No. 134 (s. 2021), the MFN tariff rates for pork products were further modified in recognition of the plight of all concerned sectors and stakeholders, including the local hog industry.” —Office of the President

Dahil sa nagpapatuloy na problema sa ASF, layon ng adjusted tariff rate na ito na mabalanse ang objective ng pamahalaan na tiyaking available sa merkado, ang abot-kayang presyo ng karne ng baboy, habang natutugunan ang concern ng mga stakeholder, partikular ang swine industry ng bansa.

“Given the continuing spread of African Swine Fever and its adverse effects, the adjusted tariff rates aim to strike a balance between the objective of making pork products available and affordable, and the concerns of all stakeholders especially the recovery of the local hog industry.” —Office of the President