EO na bumubuhay sa barter system, nilagdaan ng Pangulong Duterte

Inilabas ngayon ng Palasyo ang Executive Order No. 64 na lilikha sa Mindanao Barter Council.

Layunin ng nasabing kautusan na buhayin ang barter system sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatatag ng council na mapapasailalim sa pangangasiwa ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kaugnay ng nasabing Executive Order na bubuhay sa naturang ancient commercial practice, inaatasan nito ang DTI na maglagay ng principal office sa Jolo, Sulu.

Kasama sa itinatakda ng EO ang pagtatatag ng barter ports sa Suasi, Jolo at Bongao sa Tawi-Tawi na subject sa approval naman ng Pangulo.

Tanging mga negosyante na nakatugon lamang sa mga requirements ang makaka-kwalipika na makapaglabas-masok ng mga export at imported goods gamit ang barter ports na matatagpuan sa mga nabanggit na area.  | ulat ni Alvin Baltazar