EO kontra sa kontraktwalisasyon, pinag-aaralan pa ng Malacañang

Nasa review stage pa rin ng legal team ng Malacañang ang executive order, para tapusin ang kontraktwalisasyon na inihain ng mga labor group.

Sinabi ito ni Labor Undersecretary Jacinto Paras kasunod ng kilos protesta ng mga labor groups sa Mendiola kahapon.

Pagtitiyak ni Paras, hindi pinapabayaan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga manggagawa.

Sa kabila nito, wala pang itinakdang deadline ang magkabilang panig, kung kailan dapat malagdaan ng Pangulo ang executive order. | via Nimfa Asuncion

Photo courtesy: DOLE FB page