Enrolled bill principle, depensa ng Palasyo sa gitna ng ginagawa ngayong pagharang ng Makabayan bloc sa TRAIN Law na idinulog na sa Korte Suprema

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na sa ilalim ng enrolled bill principle, ito ay ang sertipikasyon ng isang batas na kapwa dumaan sa Senate President at Speaker of the House batay na rin sa isinasaad ng Saligang Batas.

Pasok sa tinatawag na enrolled bill theory ang pagkakaratipika sa Tax Reform and Acceleration Inclusion o TRAIN Law.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng sinimulan nang pagkuwestiyon kahapon sa Supreme Court ng Makabayan bloc sa legalidad ng Tax Reform.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na sa ilalim ng enrolled bill principle, ito ay ang sertipikasyon ng isang batas na kapwa dumaan sa Senate President at Speaker of the House batay na rin sa isinasaad ng Saligang Batas.

Ang naturang prinsipyo ani Roque ay binibigyang respeto at kinikilala ng hukuman kaya’t kumpiyansa aniya sila na ang kinukuwestiyong quorum ng Makabayan bloc sa Kamara ay kayang depensahan sa pamamagitan ng enrolled billed principle.

Kahapon ay pormal ng dumulog sa Kataas-taasang Hukuman ang opposition Congressmen sa pag-asang makakakuha ng temporary restraining order o TRO at harangin ang pagpapatupad ng batas sa panibagong tax system. | via Alvin Baltazar