Emergency meeting ng House Transportation Committee sa ‘transport crisis’ sa bansa, sinimulan na

Mismong si House Transportation Committee Chair at Samar Representaive Edgar Mary Sarmiento ang humingi ng paumanahin sa mga commuter, dahil sa nararanasang “transportation crisis” na nararanasan ng bansa.

Aniya, kahit naka-break ang Kongreso ay minabuti nilang magpatawag ng pulong upang agad na masolusyunan ang problema at pasakit na pinapasan ng mananakay.

Bago ito, kagyat na napagalitan ni Sarmiento ang ilang mga ahensya ng transportasyon, dahil sa bigong pagdalo ng kani-kanilang mga kalihim.

Representative Sarmiento

Representative Sarmiento, pinagalitan ang ilang transportation agency dahil sa bigong pagdalo ng mga pinuno ng mga ahensya. | via Kathleen Jean Forbes www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, 8 October 2019

Ayon kay Sarmiento, kawalan ng respeto sa mababang kapulungan ang hindi pagdalo ng mga head of agencies, at bagkus mga kinatawan lamang ang ipinadala.

Dagdag pa nito, sa susunod na mga pagdinig ay subpoena na ang kanyang ipadadala.

Pangunahing agenda ng emergency meeting ngayong araw ay ang aberya sa Light Rail Transit (LRT) 2 at carmaggedon sa South Luzon Expressway (SLEX).